Casa de Comunidad de Tayabas Historical Landmark is a National Historical Landmark, NHCP; Registered Property, City of Tayabas located at Tayabas City, Quezon, Region IV-A.
Built as guesthouse for dignitaries during the Spanish Era. After, it became a garrison for Filipino soldiers during the World War. Now, Casa Communidad has been converted into a museum that exhibits the town’s unburied past.
_____
Marker Text:
Casa de Comunidad de Tayabas
Kilalang Casa Tribunal na ipinatayong yari sa mahihinang kagamitan ni Gobernadorsilyo Francisco Lopez, 1776; nagsilbing bulwagang pambayan at bahay tuluyan ng mga manlalakbay. Muling ipinatayong yari sa bato ni Gobernadorsilyo Diego Enriquez, 1831; pinasinayaan at pinanganlang Casa de Comunidad, 1835; natapos at pinalamutian ng mga magagandang dekorasyon at mamahaling kasangkapan ni Gobernador de La O, 1855 at nasunog, 1877. Binalak na muling ipatayo bilang ayuntamiento, 1890, ngunit hindi naisakatuparan sa kakulangan ng pundo. Ginawang paaralang sentral noong panahon ng mga Amerikano at muling nasunog noong Panahon ng Pagpapalaya, 1945, sa mga naiwang pader sinimulan ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan ang huling pagpapaayos ng dati'y isa sa pinakamagandang tribunal sa buong kapuluan.
Sa bisa ng Kautusan bilang 260, 1 Agosto 1973, na sinusugan ng mga Kautusan ng Pangulo Bilang 375, 14 Enero 1974, at 1505, 11 Hunyo 1978, ang gusaling ito ay ipinahahayag na Pambansang Palatandaang Pangkasaysayan.
Date Unveiled: September 20, 1988