Ang Lungsod ng Tagaytay Marker is a Marked Structure, NHCP located at Tagaytay City, Cavite, Region IV-A.
Marker Text:
Ang Lungsod ng Tagaytay
Ang Lungsod ng Tagaytay ay binuo sa mga bayan ng Amadeo, Mendes, Silang, Alfonso at Indang, lalawigan ng Cavite; Talisay, Tanauan, lalawigan ng Batangas; Calamba, Cabuyao at Biñan, lalawigan ng Laguna. Dahil sa malamig na klima at kalapitan sa Maynila, ang pook na ito ay iminungkahi ni Heneral Emilio Aguinaldo kay Pangulong Manuel L. Quezon na gawing pangalawang "Summer Capital" ng Pilipinas. Kaya’t nang matatag ang Pamahalaang Komonwelt noong 1935, sinulat ni Justiniano s. Montano, kinatawan ng Kabite, ang panukalang-batas na pinirmahan ng Pangulong Quezon noong ika-21 ng Hunyo 1938 at ito ay naging Batas Komonwelt Blg. 338.
Ang mga naging alkalde ay sina Mariano Bondoc, Miguel Taña, Melchor Benitez at Isaac O. Tolentino.
Isa sa pinakamagandang pook na puntahan ng mga turista, Pilipino at dayuhan, upang mamahinga, mag-aliw at makita ang tanawin ng Bulkan at Lawa Taal, at iba pa.