Foot of Mount Banahaw | Macario Sakay Marker is a Marked Structure, NHCP; Registered Property, Municipality of Dolores, Quezon located at Dolores, Quezon, Region IV-A.
Marker Text:
Macario Sakay
Makabayan. Ipinanganak, 1870, Tondo Maynila. Umanib sa Katipunan, 1894. Naging katulong sa palimbagan ng Katipunan; nakipaglaban kasama ni Andres Bonifacio sa ilang labanan; itinalagang Pangulo ng Sesyong Dapitan (Maynila) dahil sa kanyang katapatan sa layunin ng K.K.K. Nanatiling nakikibaka hanggang sa dumating ang mga Amerikano. Nadakip sa kabundukan ng Morong, 1901. Pinagkalooban ng amnestiya ngunit muling namundok upang buhayin ang layunin ng Katipunan ni Andres Bonifacio. Tagapagtatag at Pangulo ng Republika ng Katagalugan na may punong himpilan sa Bundok San Cristobal, 1902. Lumipat sa kabundukan ng Morong, Agosto, 1903. Bumaba sa Maynila sa paanyaya ng gobernador heneral, Hulyo 4, 1906; pataksil na dinakip, Hulyo 17, 1906. Namatay, Setyembre 13, 1907.