← Back to List

Old Battle of Binakayan Monument | Labanan sa Binakayan Marker

Old Battle of Binakayan Monument | Labanan sa Binakayan Marker is a Marked Structure, NHCP located at Kawit, Cavite, Region IV-A.

Marker Text:

Labanan sa Binakayan

Sa pook na ito, noong Nobyembre 9-11, 1898, naganap ang isa sa pinakamadudugong labanan sa Cavite. Sa pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo, sinagupa ng magigiting na manghihimagsik na Pilipino ang Rehimyento 73 na sinusuportahan ng mga limang batalyon ng mga Kastilang cazadores at impanteriya ng mga marino na pinangungunahan naman ng Gobernador Heneral Ramon Blanco. Nagwagi ang mga manghihimagsik na Pilipino sa labanang ito ngunit sinamang-palad na masawi sina Heneral Candido Tria Tirona, si Kapitan Simeon Alcantara at marami sa kanilang magigiting na mga kasama.
Sa karangalan ng mga bayani ng labanang ito, ang panandang pangkasaysayang ito ay inaalay bilang pagkilala sa kanilang katapangan at kabayanihan.

Year Unveiled: 1997

Open in Google Maps