← Back to List

Cathedral of Saint Paul the First Hermit of San Pablo | Katedral ng San Pablo Marker

Cathedral of Saint Paul the First Hermit of San Pablo | Katedral ng San Pablo Marker is a Marked Structure, NHCP located at San Pablo City, Laguna, Region IV-A.

Marker Text:

Katedral ng San Pablo

Ipinatayong yari sa kahoy ng mga Agustino sa patronato ni San Pablo, ang unang ermitanyo. Naging unang kura paroko si Padre Mateo de Mendoza, 1586. Muling ipinatayong yari sa bato ni Padre Hernando Cabrera, 1618-1629. Inilipat sa mga Pransiskano at si Padre Andres Cabrera ang unang kura paroko, 1794. Binago at pinaganda, pati ang kumbento, ni Padre Peregrin Prosper, 1839-1858. Ginawa ng krusero nina Padre Eugenio Garcia, 1871-1877; Francisco Vellon, 1878-1884; at Santiago Bravo, 1884-1888. Ipinahayag na sekular, 1898, at si Padre Francisco Alcantara ang unang kura paroko. Itinatag ng mga paules ang Seminario Menor de San Francisco de Sales sa kumbento, 1912-1939. Nasira noong liberasyon, 1945. Muling ipinagawa nina Padre Juan Coronel at Nicomedes Rosal sa tulong ng taong-bayan, 1948-1954. Naging katedral bilang luklukan ng diyosesis ng San Pablo at naging unang obispo ang Kagalang-galang Pedro N. Bantigue, D.D., 1968.

Open in Google Maps