← Back to List

Ermita de Porta Vaga

Ermita de Porta Vaga is a Marked Structure, NHCP located at Cavite City, Cavite, Region IV-A.

Marker Text:

Ermita de Porta Vaga

Dating kapilya na yari sa kahoy na itinayo para sa Nuestra Señora de la Soledad de Porta Vaga noong mga taong 1667. Opisyal na iniluklok, Abril 12, 1692. Pagkaraan ng maraming taong pagkukumpuni at muling pagsasaayos, isang simbahan na yari sa bato ang itinayo noong 1787. Muling ipinaayos 1848. Iginuho ng lindol 1863. Muling ipinagawa noong taong din yaon. Muling kinumpuni, 1880. Pinaganda ni P. Pedro Lerena, 1932. Ganap na nasira noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung kaya’t ang itinatanging imahen ng Virgen de la Soledad de Porta Vaga, ang patrona ng mga galyon at pinakamatandang naitalang pinta ng Birhen Maria sa Pilipinas ay inilipat sa Simbahan ng San Roque, Cavite, 1945.

Date Unveiled: November 17, 1991

Open in Google Maps