Baldomero Aguinaldo Shrine is a National Historical Landmark, NHCP; National Shrine, NHCP located at Kawit, Cavite, Region IV-A.
Marker Texts:
Ang Bahay ni Heneral Baldomero Aguinaldo
Sa bahay na ito na ipinatayo noong 1906 nanirahan si Heneral Baldomero Aguinaldo at kanyang mag-anak. Unang ipinatayo na yari sa Narra at Molave, ang bahay ay pinanumbalik ng Intramuros Administration. Noong 1982 ito ay ipinagkaloob ng Punong Ministro Cesar E.A. Virata sa Pamahalaan ng Pilipinas.
Date Unveiled: June 12, 1983
_____
Hen. Baldomero Aguinaldo y Baloy
(1869 1915)
Isinilang noong 28 Pebrero 1869 sa Binakayan, Kawit, Cavite. Anak ni Cipriano Aguinaldo at Silvestra Baloy. Nag-aral sa Ateneo Municipal at Pamantasan ng Sto. Tomas. Directorcillo, Registrador de Titulos at hukom pamayapa ng Kawit; Pangulo, Sangguniang Magdalo ng KKK, Oktubre 1896; Kalihim ng Pananalapi, 1897; isa sa mga lumagda sa Konstitusyon ng Biyak-na-Bato, 1897; Kalihim Pandigma at Gawaing Bayan ng Unang Republika ng Pilipinas, 1898–1899; namumunong heneral sa Timog Luzon noong Digmaang Pilipino at Amerikano, 1899; at tagapagtatag at unang pangulo, Kapisanan ng mga Beterano ng Himagsikang Pilipino mula noong Oktubre 1912 hanggang sa kanyang kamatayan noong Pebrero 1915. Ang maybahay niya ay si Petrona Reyes ng Imus, Cavite at nagkaanak sila ng dalawa, si Leonor na naging asawa ni Dr. Enrique T. Virata at si Aurellano kay Liwanag Virata. Pinsang-buo ni Hen. Emilio Aguinaldo.
Date Unveiled: June 12, 1983