← Back to List

Bundok Nagpatong, Maragondon, Kabite Marker

Bundok Nagpatong, Maragondon, Kabite Marker is a Marked Structure, NHCP located at Maragondon, Cavite, Region IV-A.

Sa Bundok Nagpatong nagbuwis ng buhay ang magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio noong Mayo 10, 1897. Upang manatiling buhay sa ala-ala ang kabayanihan ng Supremo, noong Nobyembre 26, 1925, isang simpleng monumento ang itinayo ng samahan ng mga mason na Los Legionarios de Trabajo sa pamumuno ni Domingo Ponce bilang Most Worshipful Grand Master.
_____
Marker Text:

Bundok Nagpatong
Maragondon, Kabite

Noong Mayo 10, 1897, sa pook na itong tinatawag na Nagpatong, malapit sa Bundok Buntis, Maragondon, ang Supremo Andres Bonifacio at ang kanyang kapatid na si Procopio ay binaril alinsunod sa pasiya ng Hukumang Militar ng Pamahalaang Mapanghimagsik.

Year Unveiled: 1953

Open in Google Maps