Rizal Monument, Rizal Provincial Capitol | Jose Rizal (1861-1896) Marker is a Marked Structure, NHCP located at Antipolo City, Rizal, Region IV-A.
Marker Text:
Jose Rizal
(1861–1896)
Pambansang Bayani ng Pilipinas. Doktor, agrimensor, dalubwika, manunulat, makata, eskultor at pintor. Isinilang sa Calamba, Laguna, 19 Hunyo 1861. May-akda ng Noli me Tangere (1887) at El Filibusterismo (1891), mga nobelang higit pang nagpaalab sa mga Filipino na maghimagsik laban sa Espanya. Dinakip at ipinatapon sa Dapitan, Mindanao, 6 Hulyo 1892. Nagboluntaryo bilang manggagamot ng puwersang Espanyol sa Cuba, 1896, nguni’t muling dinakip habang patungong Espanya sa bintang rebelyon. Binaril sa Bagumbayan (ngayo’y Rizal Park), Maynila, 30 Disyembre 1896. Ipinangalan sa kanya ang bagong tatag na lalawigang Rizal, sa bisa ng Philippine Commission Act Blg. 137, 11 Hunyo 1901. Patuloy na inspirasyon para sa kalayan at pagkabansang Filipino.
Year Unveiled: 2012