← Back to List

Emilio Jacinto Monument | Emilio Jacinto Marker

Emilio Jacinto Monument | Emilio Jacinto Marker is a Marked Structure, NHCP located at Magdalena, Laguna, Region IV-A.

Marker Text:

Emilio Jacinto

Rebolusyonaryo at bayani. Isinilang sa Tondo, Maynila, 15 Disyembre 1875. Nag-aral sa Kolehiyo ng San Juan de Letran at Unibersidad ng Sto. Tomas. Umanib sa Katipunan na may pangalang pandigma na Pingkian at naging Kalihim ng Samahan, 1894. Sumulat ng “Kartilya,” “Katipunan nang manga A.N.B. – Sa may nasang makisanib sa Katipunang ito.” Isa sa mga nagtatag ng “Kalayaan,” ang pahayagan ng Katipunan, 1896. Kasamang sumalakay sa San Juan del Monte upang kubkubin ang El Polvorin bilang pagsisimula ng malawakang paghihimagsik laban sa mga Espanyol, 30 Agosto 1896. Hinirang ni Bonifacio bilang punong hukbo sa hilaga. Pinamunuan ang Labanan sa Maimpis, Magdalena, Laguna kung saan malubha siyang nasugatan, 27 Pebrero 1898. May akda ng “Gising na, mga Tagalog!” (1895); “Sa Bayang Tinubuan” (1896); “A la Patria” (1897); “Liwanag at Dilim” at iba pa. Yumao sa Sta. Cruz, Laguna, 16 Abril 1899.

Date Unveiled: December 14, 2017

Open in Google Maps