S. Ilagan and O. Ilagan House is a Registered Property, Municipality of Taal, Batangas located at Taal, Batangas, Region IV-A.
Ito ay pamana ni Sixto Ilagan sa kanyang anak. Siya dating supervisor ng utility. Ito ay itinayo noong 1916. Ang silong ay dating bodega at ngayon ay nilagyan ng altar. Mayroon dalawang palapag sa bahay. Mayroon dalawang silid-tulugan sa itaas. Nilagyan ng hagdan patungo sa dating bodega at ang mga kisame sa itaas ay napalitan na. Ang ginamit na mga kahoy sa bahay ay kamagong. Mayroon silang mga antique, katulad ng mga muebles (study table), radio, aparador at higaan na nilalagyan ng mosquitero.
Noong lumindol noong April 2017 ay may umikot na kalapati sa bahay. Ito raw ay nagpapahiwatig na may darating na kalamidad. Pagkaraan ng 20 minuto ay lumindol.