Sixto Lopez Ancestral House | Sixto Castello Lopez Marker; Clemencia Castelo Lopez Marker is a Important Cultural Property, National Museum; Marked Structure, NHCP; Registered Property, Province of Batangas; Registered Property, Municipality of Balayan, Batangas located at Balayan, Batangas, Region IV-A.
One of the prominent daughters, Margarita Lopez - Torribio, a fiery woman who even fought the administration of the Spanish friars in Balayan. She became the Founder and President of the Puericulture Center in this town for many years.
_____
Marker Text:
Sixto Castelo Lopez
(1863–1947)
Ipinanganak, Abril 6, 1863 sa Balayan, Batangas kina Natalio Lopez at Maria Castelo. Nagsimulang mag-aral sa pampublikong paaralan ng Balayan, 1875; pagkaraan, Ateneo Municipal, Manila; pagkatapos ay sumailalim siya sa pagtuturo ni Dr. Cipriano Gonzales; San Juan de Letran, 1882; at sa Pamantasan ng Santo Tomas, kung saan ay nagtapos siya ng sekundaryang edukasyon noong 1884. Tagahanga at kaibigan ni Dr. Jose Rizal. Naging kalihim ni Ambassador Plenipontentiary Felipe Agoncillo. Isa sa ilang Pilipino na di sumumpa ng katapatan sa Estados Unidos. Kusang ipinatapon ang sarili sa Estados UNidos sa loob ng 25 taon. Ginugol ang nalalabing buhay sa kanyang bukid sa Balayan namatay, Marso 3, 1947.
Date Unveiled: March 13, 1993
_____
Marker Text:
Clemencia Castelo Lopez
(1872–1963)
Isinilang sa Balayan, Batangas, 23 Nobyembre 1872. Kasama ang kapatid na si Sixto, nagtungo sa Estados Unidos bilang panauhin ng American Anti-Imperialist League, 1902-1903. Nanawagan kay Pangulong Theodore Roosevelt para sa pagpapalaya ng kanyang mga kapatid at pagsalungat sa hindi makatarungang pagdakip sa mga ito, Marso 1902. Nagbigay ng testimonya sa Senado ng Estados Unidos upang tutulan ang pagsakop sa Pilipinas, 15 Marso 1902. Nagtalumpati sa pulong ng New England Women Suffrage Association, 29 Mayo 1902. Bumalik sa Pilipinas, 1904. Isa sa mga nanguna sa pagtatag ng Asociacion Feminista Filipina, 30 Hunyo 1905. Tagapagtaguyod ng karapatan ng mga kababaihan sa Pilipinas. Yumao 4 Hunyo 1963.
Date Unveiled: February 8, 2013