Part of Seizen Uehera Tea House is a Registered Property, Province of Batangas located at Taysan, Batangas, Region IV-A.
Ang Seizen Uehara Tea House ay alaala ng dating kawal-Hapones na si Seizen Uehara, dahil sa pagtanaw ng utang na loob sa mga gerilya at pinunong bayan na nagligtas sa kanya; kamuntik na siyang pinatay at ikatutuwa iyon ng nagagalit na mamamayan, kundi sa pamamagitan ng mga pinuno ng gerilya at ng meyor ng Taysan. Nahuli si Seizen Uehara sa isang bundok sa Taysan noong mga taong 1945, kabilang sa mga kawal Hapones na nagsipagtagpo sa mga yungib ng kabundukan, nang dumating na ang mga Amerikano. Bumalik si Seizen Uehara sa Taysan noong 1970, pagkaraan ng 30 taon upang makipagkita sa mga pinagkakautangan -ng-loob at makapagpasalamat.