115 10 de Julio Street | Albino C. Dimayuga Marker is a Marked Structure, NHCP located at Lipa City, Batangas, Region IV-A.
Marker Text:
Albino C. Dimayuga
Mamamahayag, makata at makabayang manunulat. Isinilang noong Setyembre 14, 1869 sa Lipa, Batangas. Nag-aral sa Ateneo Municipal de Manila. Patnugot sa Tagalog ng Columnas Volantes, isang pahayagan sa Lipa noong panahon ng Digmaang Filipino-Amerikano, 1899. Sumulat sa La Vanguardia, Taliba, Vox Populi at Kayumanggi. Karamihan sa kanyang mga tula at sanaysay ay nanunudyo o may-aral tungkol sa kalagayang pampulitika, panlipunan at pangkabuhayan nang panahong iyon. Ilan sa kanyang mahahalagang sinulat: Kislap ng Kalayaan, Pagsulat at Pagbigkas ng Wikang Tagalog, at Tungkol sa mga Titip. Nagsalin din sa Tagalog ng "Mi Ultimo Adios" ni Rizal. Namatay noong Hunyo 3, 1946.
Date Unveiled: September 14, 1984