← Back to List

Museo ng Gumaca

Museo ng Gumaca is a Registered Property, Municipality of Gumaca, Quezon located at Gumaca, Quezon, Region IV-A.

Ang Museo ng Gumaca ay magtatagpuan sa loob ng 15 ektaryang Lupain ng Gumaca Heritage District na isa sa pinakamalaking proyekto na naisakatuparan ng Pamahalaang Bayan ng Gumaca para sa kasaysayan, kultura at sining. Tinutukan ang proyekto ng Punong Bayan ng Gumaca Erwin P. Caralian kasama ang Sangguniang Bayan ng Gumaca sa pangunguna ng Pangalawang Punong Bayan Elchor P. Caralian. at kinunsulta sa pag papagawa si Restoration Architect Joel Vivero Rico na pawang nagtataguyod ng pamanang bayan at masugid na mananaliksik sa larangan ng kasaysayan, kultura, at sining ng bayan ng Gumaca.

Hinango ang disenyo ng Museo ng Gumaca base sa lumang larawan ng Munisipyo ng Gumaca. Ang gumuhit para planong arkitektura ng Museo ay si Ramon D. Almariento sa ilalim ng pamamahala ng noo’y Inhenyerong Pambayan na si Jose L. Vidal, Sr. Sinimulan ang paglalagak ng pundasyon ng gusaling museo noong taong 2016. Pormal na nagkaroon ng groundbreaking ceremony noong ika-12 ng Nobyembre, taong 2017 kasabay ng piyestang bayan na nilahukan ng mga panauhin mula sa iba’t-ibang mga tanggapan, organisasyon at institusyon. Opisyal na binuksan ang Museo ng Gumaca noong ika-15 ng Mayo, 2018 kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ni San Isidro Labrador.

Open in Google Maps