← Back to List

Lumang Bahay (Sitio Himbabalud)

Lumang Bahay (Sitio Himbabalud) is a Registered Property, Municipality of Mulanay, Quezon located at Mulanay, Quezon, Region IV-A.

Ang lumang bahay na ito ay yari sa iba't ibang kahoy gaya ng makaasim, maulawin at iba pang hindi matukoy na uri. Mayroong dalawang palapag ang bahay. Mayroong munting tindahan sa ibabang bahagi ng bahay.
May mga bahagi ng bahay na nabago dahil sa bagyo. Tinagpian ang mga bahaging nasira ng bagyo.
Itinayo ang bahay noong 1968. Ayon sa mga nakausap na sina Gng. Clarita Moreno, Angelica Paras at Kgwd. Anecia De Mesa, ang lumang bahay na ito ay isa sa mga kauna-unahang bahay na naitayo sa Barangay Matataja. Nakatira sa bahay na ito ang mag-ina na sina Gng. Jamina Pielago at G. Bernardo Pielago.

Open in Google Maps