Kutang San Diego is a Marked Structure, NHCP; Local Cultural Property - Historical Structure and Important Cultural Property, Gumaca, Quezon (per Kapasiyahan Blg. 357-2019); Registered Property, Municipality of Gumaca, Quezon located at Gumaca, Quezon, Region IV-A.
Ang Muog ng Kastilyo (Kutang San Diego) ang tanging natira sa apat na itinayong kastilyo noong panahon ng mga Kastila at ang imahe nito ay isa sa mahahalagang bahagi ng opisyal na selyo o seal ng Pamahalaan ng Bayan ng Gumaca.
_____
The fort or better to be called Defense and Observation Tower was made of adobe with brick tile roof. This is the last one remaining of those built under the supervision of the Franciscan friars in the latter part of the 19th century. This was built to help defend the town against attacks from sea pirates.
_____
Isa sa mga pamanang istruktura na pinangangalagaan at prinepreserba sa tulong ng mga pribadong samahan at pambayang tangapan at binibigyan ng malalim na paglilinang at pag aaral sa kasaysayan ng Bayan upang sa mga susunod na henerasyon ay mabigyan ng importansya ang pinagmulang kasaysayan.
Bilang pangunahing sagisag ng Bayan, ang Muog ay nagbibigay ng importansya sa kasaysayang pinagmulan at ng tibay ng pang ekonomiyang kalagayan ng Bayan dahil sa sentrong lokasyon ng pang komersyo ng ikaapat at ikatlong distrito ng lalawigan at bilang isang pang turismong tanawin.
_____
Ang muog o kastilyo ay ang pinaka-katangitangi o nag-iisang istruktura na may maayos ng preserbasyon na bihirang makita saan mang bayan o lalawigan.
_____
Marker Text:
Kutang San Diego
Gumaca, Quezon
Yari sa tinabtab na bato at may bubong na tisa, ang kutang ito ang tanging nalalabi sa ipinatayo ng mga Kastila sa pangangasiwa ng mga paring Pransiskano noong huling bahagi ng ika-18 siglo upang ipagtanggol ang bayan laban sa pagsalakay ng mga tulisang-dagat. Sa pagitan ng dalawang moog, si P. Francisco Costa ay nagpatayo noong 1850 ng matibay na pader na yari sa apog at bato upang ipangsanggalang ang bayan buhay sa hanging mula sa hilagang-silangan.
Date Unveiled: March 17, 1981