← Back to List

Philippine Merchant Marine Academy

Philippine Merchant Marine Academy is a Marked Structure, NHCP located at San Narciso, Zambales, Region III.

Marker Text:

Philippine Merchant Marine Academy
(1820)

Pinasinayaan bilang Escuela Nautica de Manila noong Abril 5, 1820. Naging nautical school noong panahon ng Amerikano. Ipininid nang ilang taon, muling binuksan noong 1913 at isinama sa Philippine School of Arts and Trades sa Daang Arroceros. Inihiwalay dito at ginawang Philippine Natutical School sa Daang Roberts, Pasay. Ginawang Philippine Merchant Marine Academy noong 1963. Inilipat sa Fort Bonifacio noong Enero, 1969. At muling inilipat sa San Narciso, Zambales noong Enero 31, 1998 na may sukat na 60 ektarya sa bias ng Pampangulong Proklamasyon Blg. 937. Ang mga klase ay agad at pormal na nag-umpisa noong Pebrero 2, 1998. Ang pagpapasinaya sa bagong lugar ng PMMA Complex ay noong Mayo 25, 1998, taon ng paggunita sa ika-100 taong anibersaryo ng ating kalayaan (1898-1998)

Year Unveiled: 1974

Open in Google Maps