← Back to List

Milagros and Napoleon Samonte House

Milagros and Napoleon Samonte House is a Registered Property, Municipality of Licab, Nueva Ecija located at Taal, Batangas, Region III.

Ang tahanan nina Gng. Milagros Samonte ay ipinagawa noong taong 1967. Nasa 51 taon na ang bahay. Maayos ang kondisyon nito at inilipat na ang pagmamay-ari sa anak na si Christian Samonte. Mayroong garahe at terrace. Yari sa kahoy ang pinto sa sala. Mayroong hagdanang yari sa semento at kahoy naman ang railings. Umaakay ito sa dalawang kwarto sa itaas at nasa dulo naman ang palikuran. Jalousie ang mga bintana. Nabago ang ilang bahagi ng bintana at ginawang sliding window, pero kahoy pa rin ang mga pasimano. Gawa sa sementong kinulayan ng pula at inukitan ng disenyo upang magmukhang tiles. Lawanit ang mga dingding at sinaunang plywood naman ang ginamit sa mga kisame. Kahoy ang mga haligi sa mga kwarto. Malapit sa sala ang dining area at lababo. Noong una ay mayroong dirty kitchen ngunit ginawa na nila itong tambakan ngayon.
Ang dating bintana na gawa sa kahoy na munlawin ay binago na. Ito ay naging sliding window. Pinalagyan ng dirty kitchen ang espasyong papunta sa kusina.

Open in Google Maps