← Back to List

Derosalio Montenegro Ilagan and Nicasia Ilagan House

Derosalio Montenegro Ilagan and Nicasia Ilagan House is a Registered Property, Municipality of Licab, Nueva Ecija located at Taal, Batangas, Region III.

Tumira dati sa bahay na ito si Padre Mariano Ilagan. Ang tahanan nina Derosalio Montenegro Ilagan ay itinayo noong panahon ng Kastila. Ito ay mahigit 200 taon na. Nasa maayos na kondisyon ito at nasa pangangalaga na ngayon ng magkakapatid na sina Erlinda at Paz Ilagan. Ang tahanang ito ay hindi nabakante. Ang silong ito ay dating tinayuan ng maliit na sari-sari store. Tumira rito ang isang pari, si Padre Mariano Ilagan noong unang panahon. Gawa sa semento ang hagdanang papunta sa loob ng bahay at mayroon ding bahagi na gawa sa kahoy. Mayroong maliit na sala pagpasok ng bahay. Nasa bandang kaliwa naman ang mas malaking sala. Tatlo ang kwarto sa bahay. Mayroon ding antigong lamesa na yari sa kahoy na mulawin. Gawa rin sa mulawin ang mga haligi, dingding at ang lahat ng pinto. Noong 1960s pinalitan ng plywood ang dating kisameng kawayan. Nasa bandang kanan naman ang kusina. Dating sawali ang kisame nito at pinalitan narin ng plywood. Dati ring yari sa kawayan ang sahig ng kusina at ngayon naman ay kahoy na. Gawa sa capiz ang mga bintana. Mayroon ding mga bintanilya sa harapang itaas ng bahay.

Open in Google Maps