Ipo Dam | Labanan sa Ipo Dam MarkerIpo Dam | Labanan sa Ipo Dam Marker is a Marked Structure, NHCP; Registered Property, Province of Bulacan located at Norzagaray, Bulacan, Region III.
Where one of the biggest battles took place during the Japanese occupation.
_____
Marker Text:
Labanan sa Ipo Dam
Ang Ipo Dam at ang mga daan patungo dito ay kontrolado ng pwersang Hapon sa ilalim ni Medyor Heneral Osamu Kawashima na kabilang sa pangkat ng Shimbu ni Tinyente Heneral Shizuo Yokoyama noong mga unang bahagi ng taong 1945. Ipinadala ang pinagsamang pwersa ng mga Pilipino at mga Amerikano na kinabibilangan ng ika-169, 103, 133 at ika-172 rehimeng impanteriya ng hukbong Amerikano kasama ang pangkat ng mga gerilyang Marking, Ramsey at Hunters ROTC upang bawiin ang Ipo, 6 Mayo 1945. Tumagal ang may limang araw ang madugong labanan na tinampukan ng matinding pambobomba. Nabawi ng mga gerilyang Marking na nagwagayway ng bandilang Amerikano sa tuktok ng planta ng kuryente sa bahaging timog, ika-10:30 ng umaga, 17 Mayo 1945.
Date Unveiled: May 19, 2005