Guagua National Colleges is a Marked Structure, NHCP located at Guagua, Pampanga, Region III.
Marker Text:
Guagua National Colleges
Dating Guagua National Institute, isang paaralang primarya at intermedya na itinatag ni Padre Nicanor Banzali sa lumang kumbento ng Guagua, Hunyo 18, 1918. Binuksan ang sangay para sa mataas na paaralan, 1922. Lumipat sa Gusaling Limson-Espinosa, 1931, sa Sariling Gusali 1932. Pawang sa baryo ng San Roque. Nagsimulang buksan ang ilang kursong pang-kolehiyo, 1941. Pansamantalang napinid sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Binuksan sa pook na ito, Hunyo 1, 1945. Naging Guagua National Colleges, 1945. Ang mga klase ay agad ipinagpatuloy, isang linggo makaraang pumutok ang Bulkang Pinatubo, Hunyo 15, 1991. Katapatan at lubusang paglilingkod ng pamunuan at kaguruan para sa kapakanan ng edukasyon ang pangunahong dahilan ng paglaki at pag-unlad ng kolehiyong ito.
Date Unveiled: February 24, 1993