Francisco Santiago MarkerFrancisco Santiago Marker is a Marked Structure, NHCP; Registered Property, Province of Bulacan located at Santa Maria, Bulacan, Region III.
Bulakenyo artist known as “Ama ng Kundiman”
_____
Marker Text:
Francisco Santiago
(1889–1947)
Ama ng Kundiman
Isinilang sa Sta. Maria, Bulakan, noong ika-29 ng Enero, 1889. Nag-aral sa Liceo de Manila; nagturo sa Konserbatoryo ng Musika, Unibersidad ng Pilipinas, noong 1916. Noong 1917 ay sinulat niya ang kauna-unahang makabagong kundiman. Nagtapos ng pagka-doktor sa Musika sa Chicago Musical College noong 1924. Pagkaraan ng ilang panahon ay hinirang siyang Direktor ng Konserbatoryo ng Musika, Unibersidad ng Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga bantog na katha ang “Ave Maria”, “Canto Filipino” at ang matamis na kundimang “Madaling Araw”, “Pakiusap”, “Ano Kaya ang Kapalaran”, at “Kundiman”.
Namatay sa Maynila noong ika-28 ng Setyembre, 1947.
Year Unveiled: 1964