← Back to List

Lungsod ng Kabanatuan Marker

Lungsod ng Kabanatuan Marker is a Marked Structure, NHCP located at Cabanatuan City, Nueva Ecija, Region III.

Marker Text:

Lungsod ng Kabanatuan

Ang bayan ng kabanatuan ay dating sakop ng bayan ng Gapan. Ginawang bayan ang nayon ng Kabanatuan noong Hulyo 14, 1777 at tinawag na Kabanatuan, Bagong Esiha. Naging kabisera noung 1779 hanggang 1816 nang ilipat ang kabisera sa San Isidro. Ang pamahalaan ng Unang Republika ng Pilipinas ay pansamantalang inilipat dito noong Mayo 9, 1899 hanggang ilipat sa Tarlac. Naging kabiserang muli noong 1912 hanggang sa naging isang lungsod, na pinasinayaan noong Pebrero 3, 1951 sa bisa ng Batas ng Republika Blg. 526 na pinagtibay noong Hunyo 16, 1950.

Open in Google Maps