← Back to List

Manuel Tinio Mausoleum | Heneral Manuel Tinio (1877-1924) Marker

Manuel Tinio Mausoleum | Heneral Manuel Tinio (1877-1924) Marker is a Marked Structure, NHCP located at Cabanatuan City, Nueva Ecija, Region III.

Marker Text:

Heneral Manuel Tinio
(1877-1924)

Ipinanganak sa Aliaga, Nueva Ecija noong ika-17 ng Hunyo, 1877. Anak ng mag-asawang Mariano Tinio at Silveria Bundoc. Hinirang na heneral ng brigada noong ika-19 ng nobyembre, 1897 sa gulang na dalawampung taon; isa sa mga tapon sa hongkong matapos lagdaan ang Kasunduan ng Biyak-Na-Bato, 1897; nagbalik sa Pilipinas at namuno sa pakikipagdigma sa mga Amerikano sa Kailokohan at Lalawigang Bulubundukin; at naging Punong Heneral sa Hilagang Luzon. Sumuko sa Sinait, Hilagang Ilokos, noong ika-30 ng Abril, 1901. Naging gobernador ng Nueva Ecija at Direktor ng Kawanihan ng Lupa noong panahon ng Amerikano.
Namatay noong ika-22 ng Pebrero, 1924.

Open in Google Maps