Apalit Town Plaza | Bienvenido M. Gonzales (1893-1953) Marker is a Marked Structure, NHCP located at Apalit, Pampanga, Region III.
Marker Text:
Bienvenido M. Gonzalez
(1893–1953)
Ipinanganak sa Apalit, Pampanga, 22 Nobyembre 1893. Nakamit ang mga titulong Dalubhasa sa Agham, University of Wisconsin, 1915, at Doktor sa Agham, Johns Hopkins University, 1923. Naging Dekano, Kolehiyo ng Pagsasaka, Pamantasan Ng Pilipinas Sa Los Baños; ikaanim na Pangulo ng Pamantasan ng Pilipinas; at Tagapangulo ng Pambansang Sanggunian ng Pananaliksik sa Pilipinas. Tumanggap ng gintong medalya ng kagalingan at diploma ng karangalan dahil sa kanyang mga katangi-tanging nagawa sa larangan ng Agham. Namatay, 30 Disyembre 1953.
Date Unveiled: December 30, 1982