Papatayan is a Registered Property, Municipality of Galimuyod, Ilocos Sur located at Galimuyod, Ilocos Sur, Region I.
Malaking bahagi ng pamumuhay, kultura, at tradisyon ng mga henerasyon ng aming lipi mula pa noong panahong nanirahan sa komunidad na ito ang aming mga pinagmulang ninuno.
Nagpapahayag ng hindi pagsang-ayon ng aming pinagmulang ninuno sa pananampalatayang Kolonyalista. Bilang katunayan, marami dito ang dokumento ng lupa na ang pangalan ng may ari ay "Infiel". Ibig sabihin hindi sumang-ayon sa pamamahala at pananampalataya ng mga dayuhan. At nagiging simbolo ng matatag na pananalig ng aming mga ninuno sa kapangyarihan ng Diyos o Kabunyan.
Nagsasalarawan ang lugar ng “Papatayan” ng isang uri ng pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng gawa sa pagsunod sa mga adhikain at batas na itinuro ng Diyos sa aming pinangmulang mga ninuno ng aming lipi.