← Back to List

Abe's Farm Grounds | Emilio Aguilar Cruz (1951-1991) Marker

Abe's Farm Grounds | Emilio Aguilar Cruz (1951-1991) Marker is a Marked Structure, NHCP located at Magalang, Pampanga, Region III.

Marker Text:

Emilio Aguilar Cruz
(1915–1991)

Ipinanganak, Hunyo 5, 1915, Magalang, Pampanga. Manunulat, editor, kritiko sa sining, pintor, diplomatiko, makabayan at makatao. Manunulat sa Ingles at Pilipino at may-akda ng maraming natatanging sanaysay at mga maikling kuwento. Punong editor ng Daily Mirror. Kolumnista ng iba’t-ibang pahayagan, awtor ng sanaysay, “Autochtonous Tradition,” isang mahalagang kritikong pansining sa Pilipinas noong kanyang kapanahunan. Ang kanyang koleksiyon ng mga sanaysay, “Maynila and Other Explorations,” ay nalathala noong 1978. Bilang pintor, siya ang inspirasyon ng Pangkat Dimasalang. Nagsalin sa Ingles ng salaysay pangkasaysayang Pranses ukol sa Pilipinas. Dahil sa kanyang mga makabayang isinulat siya ay ginawaran ng Rizal Pro-Patria Award noong 1961. Bilang plenipotensiyaryong embahador, siya ang permanenteng kinatawan ng bansa sa UNESCO, Paris, 1978–1931. Komisyunado ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan, 1967–1991. Namatay, Disyembre 19, 1991.

Date Unveiled: August 7, 1992

Open in Google Maps