University of the Philippines Cebu CollegeUniversity of the Philippines Cebu College is a Marked Structure, NHCP located at Cebu City, Cebu City, Region VII.
Marker Text:
University of the Philippines Cebu College
Nagsimula na Junior College of Liberal Arts sa dating Warwick Barracks; Dr. Lawrence Wharton, unang dekano, 1918. Inilipat sa pook ng Parian at pinangalanang Junior College of the University of the Philippines (U.P.); Dr. Jose Mirasol, unang Filipinong dekano, 1922; at sa Fort San Pedro, 1925. Ipinagkaloob ng Lalawigan ng Cebu ang kampus sa Lahug at pinasinayaan ang pangunahing gusali, 1929. Ginamit ng pwersang Hapones bilang piitan, 1942–1945l ng U.S. Navy General Engineering at muling binuksan bilang paarlan, 1945. Ipinaayos sa tulong ng U.S.–Philippine War Damage Commission, 1946. Ipinasara ng pamahalaan at inupahan ng mga Heswita bilang Berchmans College, 1950. Ibinalik sa U.P., 1963. Naging bahagi ng University of the Philippines Visayas (UPV), 1986–2010. Pinagkalooban ng U.P. Board of Regents ng autonomiya bilang U.P. Cebu College sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo ng Unibersidad, 24 Setyembre 2010.
Date Unveiled: December 2, 2010