Zoilo J. Hilario y Sangalang Bust | Zoilo J. Hilario y Sangalang (1892-1963) Marker is a Marked Structure, NHCP located at City of San Fernando, Pampanga, Region III.
Marker Text:
Zoilo J. Hilario y Sangalang
1892–1963
Mambabatas, makata at tagapagtaguyod ng kagalingang panlipunan. Ipinanganak sa San Juan, San Fernando, Pampanga, 27 Hunyo 1892. Nag-aral para sa titulong batsilyer sa sining, Liceo de Manila, at batsilyer sa batas, Escuela de Derecho. Makatang laureado sa Kastila sa kanyang tulang “Alma Española”, 1917; at makatang laureado sa wikang Pampango sa kanyang tulang “Ing Babai”, 1918. Naglathala ng mga aklat ng tula: Adelfas, Patria y Redencion, Himnos y Arengas at Bayung Sunis. May-akda: Ilustres Varones Filipinos at ng unang “Tenancy Law”, 1932. Kagawad: Philippines Historical Committee at Institute of National Language. Nagharap ng pinakamaraming bilang ng mga panukalang batas na pinagtibay ng Lahislatura ng Pilipinas, 1931–1934. Hinirang na isa sa Sampung Katangi-tanging Mababatas, 1933, at Hukom ng Unang Dulungan, 1951. Namatay, 13 Hunyo 1963.
Year Unveiled: 1982