← Back to List

Teodoro R. Yangco Bust | Teodoro R. Yangco (1861-1939) Marker

Teodoro R. Yangco Bust | Teodoro R. Yangco (1861-1939) Marker is a Marked Structure, NHCP located at San Antonio, Zambales, Region III.

Marker Text:

Teodoro R. Yangco
(1861–1939)

Pilantropo at mangangalakal. Isinilang sa San Antonio, Zambales, 9 Nobyembre 1861. Nagtapos sa Ateneo ng Rachiller en Artes at abogasya sa Universidad de Santo Tomas. Nagtapos ng komersyo sa Ealing College, London, 1886. Nagtatag ng sariling kumpanya at pagawaan ng mga barkong pampasahero. May-ari ng Bazaar Siglo XX na bumibili at nagtitinda ng pangkalahatang kalakal. Nanungkulan bilang Filipino Resident Commissioner sa Washington, D.C. 1917–1920, kung saan nakatulong siya sa pagpasa ng batas sa taripang katig sa mga produktong galing sa Pilipinas. Aktibo sa pagsulong sa mga proyektong pangkawang gawa. Presidente ng ilang institusyong pangsibiko tulad ng Young Men’s Christian Association, Kapisanang Laban sa Tuberkolosis, at Gota de Leche. Tinaguriang Ama ng Y.M.C.A. Namatay, 20 Abril 1939.

Year Unveiled: 2005

Open in Google Maps