← Back to List

Mga Relihiyosong Agustino sa Pilipinas Marker

Mga Relihiyosong Agustino sa Pilipinas Marker is a Marked Structure, NHCP located at Cebu City, Cebu City, Region VII.

Marker Text:

Mga Relihiyosong Agustino sa Pilipinas

Dumating sa Tandaya, ngayo'y bahagi ng Samar, ang unang limang paring Agustino sa pangunguna ni Padre Andres de Urdaneta, OSA, 13 Pebrero 1565. Nagtatag ng Provincia del Santisimo Nombre de Jesus de Filipinas na pinagtibay ng Ordeng Agustino sa Roma, 7 Marso 1575. Ipinangaral ang Kristiyanismo sa Luzon, Visayas, Tsina, at Hapon. Nagtatag ng mga bayan at parokya sa Pilipinas. Nag-iwan ng mga pag-aaral sa agham, wika, kultura, kasaysayan at kalikasan ng Pilipinas. Nangasiwa sa pagtatayo ng ilan sa matatandang simbahan sa Pilipinas, kabilang ang apat na Simbahang Baroque na itinala bilang Pook Pamanang Pandaigdig ng UNESCO. Bagaman naapektuhan ng Himagsikang Pilipino, ilan sa kanila ang nanatili pa rin sa Pilipinas para mangasiwa ng mga parokya at paaralan. Itinatag ang Probinsya ng Sto. NiƱo de Cebu ng mga Agustinong Pilipino na hiwalay sa mga Agustinong Espanyol, 1983.

Date Unveiled: August 8, 2018

Open in Google Maps