Jose Rizal Monument | Jose Rizal sa Dumaguete Marker is a Marked Structure, NHCP located at Dumaguete City, Dumaguete City, Region VII.
Marker Text:
Jose Rizal sa Dumaguete
Nagwakas ang pagkakatapon ni Rizal sa Dapitan, Mindanao nang pahintulutang manilbihan bilang siruhano sa hukbong Espanyol sa Cuba. Nilisan ang Dapitan patungong Maynila, kasama sina Josephine Bracken, ang kapatid na si Narcisa, at iba pa, lulan ng barkong España, hatinggabi ng 31 Hulyo 1896. Pansamantalang tumigil sa Dumaguete ang barko, Bukang-Liwayway, 1 Agosto. Dito nakipagkita si Rizal kina Gobernador Emilio Regal, punong lalawigan ng Negros Oriental, at Faustino Herrero Regidor, dating kamag-aral. Kinahapunan, inopera sa mata ang kapitan ng konstabularya ng lalawigan. Nilisan ang Dumaguete muling sakay ng España, ika-10 ng gabi ng araw ring iyon.
Date Unveiled: February 7, 2012