← Back to List

Isabel Town Center | Dionisio Magbuelas "Papa Isio" Marker

Isabel Town Center | Dionisio Magbuelas "Papa Isio" Marker is a Marked Structure, NHCP located at Isabela, Isabela, Region VI.

Marker Text:

Dionisio Magbuelas
“Papa Isio”

Kilala bilang pinunong panrelihiyon sa Negros. Nagtatag ng kilusan na nakatalaga sa Isabela upang tutulan ang pagmamalabis ng mga Espanyol, 1896. Hinirang bilang Punong Militar ng La Castellana sa ilalim ng Pamahalaang Cantonal ng Negros, Nobyembre 1898. Lumaban sa mga Amerikano, 1899–1907. Sumuko, 6 Agosto 1907. Nahatulan ng kamatayan sa salang bandolerismo. Ibinaba ang hatol sa habang buhay na pagkakabilanggo, 1907. Yumao sa Bilibid Prison sa Maynila, 1911.

Date Unveiled: November 6, 2009

Open in Google Maps