Birthplace of Patrocinio Gamboa | Patrocinio Gamboa Marker is a Marked Structure, NHCP located at Iloilo City, Iloilo City, Region VI.
Marker Text:
Patrocinio Gamboa
Rebolusyonaryo. Isinilang sa pook na ito kina Fermin Gamboa at Leonarda Villareal, 30 Abril 1865. Sumapi sa Kilusang Rebolusyonaryo sa Iloilo, Marso 1898. Ipinagsapalaran ang kanyang buhay sa pagdadala ng bandila ng Pilipinas mula Jaro hanggang Santa Barbara, kung saan itinataas ito ni Heneral Martin Delgado nang pasinayaan ang pansamantalang Pamahalaang Rebolusyonaryo, 17 Nobyembre 1898. Inalagaan at inaruga ang mga nasugatan at maysakit sa panahon ng digmaan laban sa mga Amerikano. Yumao, 24 Nobyembre 1953 sa Molo, Iloilo.