Arevalo Plaza | Villa de Arevalo Marker; Sofia Reyes de Veyra (1876-1953) Marker is a Marked Structure, NHCP; Local Cultural Property - Local Heritage and Cultural Landmarks or Sites, Iloilo City located at Iloilo City, Iloilo City, Region VI.
Marker Texts:
Sofia Reyes de Veyra
(1876–1953)
Ipinanganak sa Arevalo, Iloilo ika-30 ng Setyembre ng taong 1876. Namuno sa mahahalagang kilusang sibiko at sa mga adhikaing pangkababaihan ng bansa. Tampok sa larangan ng paghubog sa puso at isipan ng mga mag-aaral.
Naging Pangalawang Pangulo ng Pamantasang Centro Escolar mula noong 1934 hanggang 1953, taon ng kanyang kamatayan.
Date Unveiled: September 30, 1976
_____
Villa de Arevalo
Itinatag ni Gobernador Ronquillo de Peñalosa noong 1581 at pinangalanang “La Villa Rica de Arevalo,” sa ilalim ng pangasiwaan ng Oton. Ito ay naging kabisera ng lalawigan noong 1582. Sentro ng pagawaan ng mga sasakyang-dagat. Ito ay nilusob ng mga British noong 1588. Dahil sa mga pananalakay ng mga Muslim noong 1600 at ng mga Olandes noong 1609, 1614, at 1616, ang kabisera ay inilipat sa Punta, ang kasalukuyang Lungsod ng Iloilo. Ito ay ginawang ikaapat na uring bayan noong 1827. Simula noong Hulyo 16, 1937, hanggang sa kasalukuyan, ito ay isa sa mga distritong bumubuo sa lungsod.
Date Unveiled: December 11, 1981