Tarik Monument | Ang Kabataang Pinuno ng Macabebe Marker is a Marked Structure, NHCP located at Macabebe, Pampanga, Region III.
Marker Text:
Ang Kabataang Pinuno ng Macabebe
Pinamunuan ang mahigit 2,000 mandirigmang Moro buhat sa Macabebe, Hagonoy at iba pang bahagi ng Pampanga para palayasin ang mga Espanyol sa Luzon, 31 Mayo 1571. Hinimok si Lakan Dula ng Tondo na sumama sa kanyang kampanya, ngunit nakapanumpa na ito ng katapatan sa mga Espanyol, kasama sina Raha Matanda at Raha Soliman ng Maynila. Tinanggihan ang alok ni Gob. Hen. Miguel Lopez de Legazpi na pakikipagkaibigan at hinamon ito sa isang labanan sa wawa ng Ilog Bangkusay, Tondo, Look ng Maynila. Napaslang sa naturang labanan, kasama ng 300 iba pang Moro, 3 Hunyo 1571.
Date Unveiled: June 3, 2016