Jose Abad Santos Monument | Jose Abad Santos (1886-1942) Marker is a Marked Structure, NHCP located at City of San Fernando, Pampanga, Region III.
Marker Text:
Jose Abad Santos
(1886–1942)
Dalubhasa sa batas, estadista, makabayan, martir. Ipinanganak sa San Fernando, Pampanga, 19 Pebrero 1886. Itinalaga bilang kinatawan ng Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong mga unang araw ng pananakop ng mga Hapon. Binaril sa Malabang, Lanao, 2 Mayo 1942, dahil sa pagtangging manumpa ng katapatan sa Imperyong Hapon.
Year Unveiled: 2009