Honorio Ventura Monument | Honorio Ventura (1887-1940) Marker is a Marked Structure, NHCP located at City of San Fernando, Pampanga, Region III.
Marker Text:
Honorio Ventura
(1887–1940)
Pilantropo at lingkod bayan. Isinilang sa Bacolor, Pampanga, 30 Hulyo 1887. Nagtapos ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas, 1909; hinirang na gobernador ng lalawigan ng Pampanga, 1914. Nahalal nang dalawang termino bilang gobernador ng Pampanga, 1916–1919 at 1919–1921. Kalihim ng Kagawaran ng Panloob matapos ng panunungkulan ni Felipe Agoncillo, 1925–1933. Nagpaaral ng mahihirap na mga mag-aaral kabilang si Diosdado P. Macapagal naging Pangulo ng Pilipinas (1961–1965). Yumao, 3 Setyembre 1940.
Year Unveiled: 2009