Quirino Province Museum and Library is a Registered Property, Province of Quirino located at Cabarroguis, Quirino, Region II.
Ang Provincial Museum and Library ay hinati sa anim na bahagi para sa anim na mga bayan na bumubuo sa lalawigan. Ang mga ito ay ang sumusunod: Diffun, Saguday, Aglipay, Maddela, Nagtipunan, Cabarroguis—ang capital ng Quirino. May kontribusyon ang bawat bayan. Pagpasok pa lamang sa museo ay maipipinta na sa isipan kung paano namuhay nang simple ang mga ninuno sa lalawigan dahil sa makikitang iba't ibang uri ng kasangkapan na ginagamit sa araw-araw. Makikita rin ang larawan ng dating Pangulong Elpidio R. Quirino na pinaghanguan ng pangalan ng lalawigan. Mababakas din ang unti-unting pag-unlad ng kabihasnan ng lalawigan na hindi rin nagpapahuli sa larangan ng sining. Ang unang palapag ay ang museo at nasa ikalawang palapag naman ang silid-aklatan. Ang building area ay 704.00 sq. m. Itinatag ito noong 2010.