← Back to List

Aloran Municipal Plaza | Jose F. Ozamiz Marker

Aloran Municipal Plaza | Jose F. Ozamiz Marker is a Marked Structure, NHCP located at Aloran, Misamis Occidental, Region X.

Marker Text:

Jose F. Ozamiz
(1898–1944)

Isinilang sa Banisilon, Aloran, Misamis Occidental, 5 Mayo 1898. Nagtapos ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas, 1921. Gobernador ng Misamis Occidental, 1929-1931; kinatawan sa Lehislatura ng Pilipinas, 1931-1935; Kombensyon Konstitusyonal, 1934-1935; Pambansang Asambleya, 1935-1938. Naihalal muli sa asambleya ngunit tumanggi sa posisyon upang umanib sa kilusang gerilya at hukbong Amerikano sa Australia noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dinakip ng mga Hapon at ipiniit sa Fort Santiago at Bilibid. Dinala sa Manila Chinese Cemetery kung saan siya at ang iba pang kasama ay pinugutan ng ulo at itinapon ang kanilang mga bangkay sa isang hukay lamang sa loob ng sementeryo, 30 Agosto 1944. Natagpuan ang mga labi, 1946. Inilipat ang mga labi at binigyan ng marangal na libing sa Cementerio del Norte sa Maynila, 9 Marso 1947.

Year Unveiled: 2014

Open in Google Maps