Fuerte de Alfonso XIII is a Registered Property, Municipality of Tukuran.Zamboanga del Sur located at Tukuran, Zamboanga del Sur, Region IX.
Ito ay dating pagmamay-ari ng isang pribadong indibidwal na sa kasamaang palad ay hindi napagtuunan ng sapat na pansin ang istruktura. Sa kagustuhan ng pamahalaang lokal na ayusin at protektahan ang istrukturang ito, kanilang hiningi ang karapatan mula rito.
Ito ay muling binuksan sa publiko upang maipakita ang maunlad na kultura at kasaysayan ng Tukuran. Ito ay isa sa mga natitirang istruktura na ipinatayo ng mga sundalong Espanyol sa Pilipinas upang gawing pugad sa pagbabantay ng kaayusan sa lugar laban sa mga bandido.
Ang Fuerte de Alfonso XIII ay kasalukuyang nasa maayos na kondisyon kung saan buong-buo pa rin itong nakatayo at napanatili sa tamang ayos at kondisyon. Ito ay may sukat na 169 square meters.