Mga Guho ng Kuta ng Tukuran is a Marked Structure, NHCP located at Tukuran, Zamboanga del Sur, Region IX.
Marker Text:
Mga Guho ng Kuta ng Tukuran
Kinatatayuan ng pamayanan ni Sultan Untung na nakubkob ng puwersang Espanyol, 1887. Tinayuan ng Kuta ng Alfonso XIII, 1890; natapos, 1891. Pook ng rebelyon laban sa Espanya, Setyembre 1896 at Oktubre 1898, at pook-pinagbitayan sa mga rebeldeng sundalong Pilipino sa Mindanao, Enero 1897. Tinayuan ng pamayanang Muslim matapos iwan ng mga Espanyol, 1899. Naging garison ng hukbong Amerikano, 1900-1912, at ng Philippine Constabulary, 1902-1903. Sentro ng Tukuran-Lintogup Telephone Line ng U.S. SIGNAL Corps, ang pangunahing linya ng komunikasyon sa Mindanao, 1 Enero 1901. Himpilan ng distritong militar, 1912-1918, at distritong munisipal ng Tukuran, 1918-1921. Tuluyang inabandona dulot ng patuloy na pagsalakay ng mga Moro, 1921. Naging Barangay Militar, Tukuran, Zamboanga del Sur.