← Back to List

Salipada K. Pendatun Monument | Salipada K. Pendatun (1912–1985) Marker

Salipada K. Pendatun Monument | Salipada K. Pendatun (1912–1985) Marker is a Marked Structure, NHCP located at Parang, Maguindanao, Bangsamoro.

Marker Text:

Salipada K. Pendatun
(1912–1985)

Isinilang sa Pikit, Cotabato, 3 Disyembre 1912. Nagtapos ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas at pumasa sa Philippine Bar, 1938. Hinirang bilang kasapi ng Lupong Panlalawigan ng Cotabato, 1938; nahalal, 1940. Nakomisyon bilang 3rd Lieutenant, Philippine Army Reserve Force at napabilang sa USAFFE bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kasama si Datu Udtog Matalam, nagtatag ng isang puwersang gerilya laban sa mga Hapon sa Cotabato. Hinirang bilang Gobernador ng Cotabato pagkatapos ng digmaan. Nahalal bilang senador, 1946–1949; tagapayo, administrasyong Quirino, 1950–1953; kinatawan ng lalawigan ng Cotabato sa Kongreso, 1958–1961; 1962–1965; 1966–1969; 1970–1972; Speaker Pro Tempore, 1962–1967; kinatawan ng Maguindanao sa Regular Batasang Pambansa at Speaker Pro Tempore, 1984–1985. Yumao, 27 Enero 1985.

Date Unveiled: April 2, 2014

Open in Google Maps