← Back to List

Sinupang Pambansa

Sinupang Pambansa is a Marked Structure, NHCP located at Manila, Metro Manila, National Capital Region.

Marker Text:

Sinupang Pambansa

Ang Kawanihan ng Artsibo ay itinatag ng Komisyon ng Pilipinas nang pagtibayin nito ang Batas Blg. 273 noong ika-21 ng Oktubre 1901. Itinakda ng Pangkat VIII ng Kasunduan ng Paris na nilagdaan ng Espanya at Estados Unidos noong ika-10 ng Disyembre, 1898 ang gawain at tungkulin ng artsibo na sumaklaw sa pagiingat at pagtitipon ng mga tala at sa pagkilala sa karapatan ng sino man na humihingi ng mga sipi ng mga talang nasa artsibo maging ang mga ito'y nasa Espanya o nasa Pilipinas.

Open in Google Maps