Simbahang Metodistang Episkopal is a Marked Structure, NHCP located at Parañaque City, Metro Manila, National Capital Region.
Marker Text:
Simbahang Metodistang Episkopal
Unang Simbahang Metodista sa timog Maynila na itinatag ng mga misyonaryong Metodistang Amerikano sa Mabong, Pasay, 1901. Inilipat sa Pildira, Pasay 1915; sa kasalukuyang pook, 1917. Di-sinasadyang tinamaan ng bomba noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na kumitil sa buhay ng 77 Pilipinong mananampalataya. Pinanganlang Martyrs Memorial United Methodist, 1948. Muling ipinatayo sa tulong ng Philippine War Damaged Commission at ng Simbahang Trinity ng Estados Unidos, 1950.
Date Unveiled: March 19, 1991