← Back to List

Regal Parish and National Shrine of Saint Michael and the Archangels of San Miguel, Manila | Simbahan ng San Miguel Marker

Regal Parish and National Shrine of Saint Michael and the Archangels of San Miguel, Manila | Simbahan ng San Miguel Marker is a Marked Structure, NHCP located at Manila, Metro Manila, National Capital Region.

Marker Text:

Simbahan ng San Miguel

Itinayo ng mga Hesuwita ang unang simbahang yari sa bato sa tabi ng Tripa de Gallina, 1603. Naging simbahang pangparokya, 1603. Sentro ng misyong Hapon, 1615. Ibinigay sa pamamahala ng mga paring sekular, 1768, at sa mga Pransiskano, 1777. Inilipat sa pinagkakatayuan ngayon at pinasailalim sa Parokya ng Quiapo, 1783. Ibinalik sa mga Pransiskano, 1797. Pinangasiwaan ng mga paring sekular, 1899. Itinayo ang kasalukuyang simbahan, 1913. Hinirang na Pro-Katedral ng Maynila, 1946–1958. Ginawang Pambansang Dambana ni San Miguel at ng mga Arkanghel, 1986.

Date Unveiled: September 28, 2003

Open in Google Maps