Site of Birthplace of Ladislao Bonus | Ladislao Bonus (1854 - 1908) Marker is a Marked Structure, NHCP located at Manila, Metro Manila, National Capital Region.
Marker Text:
Ladislao Bonus
(1854–1908)
Ang “Ama ng Operang Pilipino”, dalubhasang musiko, kompositor at guro sa musika. Si Ladislao Bonus ay isinilang sa pook na ito noong ika-27 ng Hunyo 1854, kina Pedro Bonus at Maria Mariano. Maykatha ng unang operang Pilipino ang “Sandugong Panaginip” ni Pedro A. Paterno, naglapat ng tugtugin sa “Recuerdos a la Patria” ni Dr. Jose Rizal, at maykatha pa rin ng maraming tugtugin sa Sarsuelang Pilipino, misa, rosaryo kantada, gozo at mga kantahing-bayan na naging dahilan upang ang Pandacan ay kilalaning “Munting Italya ng Pilipinas.”
Siya ay namatay noong ika-28 ng Marso, 1908.
Year Unveiled: 1980