← Back to List

Pintuang Isabela II

Pintuang Isabela II is a Marked Structure, NHCP located at Manila, Metro Manila, National Capital Region.

Marker Text:

Pintong Isabela II

Ipinangalan sa Reyna Isabela II, ang pintong ito ay nakaharap sa Ilog Pasig at nasa pagitan ng Kuta ng San Gabriel sa silangan at ng dating Kuta ng Sto. Domingo sa kanluran. Itong huli ang dati’y nakapaligid sa noo’y gusali ng adwana (ngayo’y Bangko Sentral). Ang makitid na bahagi ng lupa sa pagitan ng ilog at ng mga pader ay siyang dating pook ng ikalawang parian na naging Paseo de Magallanes at muelle. Sa pagitan ng mga kutang nabanggit ay may 20 malalaking silid na ginagamit na pintungan at ang dakong itaas ay balwarteng nakaharap sa ilog. Ang pintong ginawa at binuksan noong 1861 ay lumalagos sa Daang San Juan de Letran sa pagitan ng Kolehiyo ng San Juan de Letran at ng dating Beateryo ng Sta. Catalina noong kapanahunan ni Gobernador Jose Lemery. Nasira noong 1945 dahil sa digmaan; muling ginawa ng Intramuros Restoration Committee noong 1968 sa tulong ng abuloy ng Research Foundation in Philippine Anthropology and Archaelogy, Inc., at iba pa, ng pambansang pamahalaan at ng Lungsod ng Maynila.

Date Unveiled: December 8, 1968

Open in Google Maps