Pintong Postigo is a Marked Structure, NHCP located at Manila, Metro Manila, National Capital Region.
Marker Text:
Pintong Postigo
Ito ang ikatlong pintong nakaharap sa Look ng Maynila at tinatawag na “Puerta Postigo del Governador” na malapit sa likuran ng Palasyo ng Gobernador noong panahon ng Kastila. Muling itinayo noong 1783 sa kinadoroonan ng ikalawang pinto ng inhinyero ng hukbo na si Thomas Sanz noong panahon ni Gobernador Jose Basco at Vargas. Sa pintong ito nagdaan si Dr. Jose Rizal nang siya’y dalhin ng mga kawal na Kastila buhat sa Kuta ng Santiago hanggang Bagumbayan (ngayo’y bahagi ng Rizal Park) upang barilin noong ika-30 ng Disyembre 1896. Sa silid ng mga opisyal ng pintong iyan ikinulong si Tenyente Manuel L. Quezon noong 1902 matapos sumuko sa mga Amerikano. Nasira ang bahagi ng pinto noong 1945 dahil sa digmaan; muling ginawa ng Intramuros Restoration Committee noong 1968 sa tulong ng abuloy ng Inner Wheel Club ng Maynila, ng pambansang pamahalaan, at ng Lungsod ng Maynila.
Year Unveiled: 1968